Tuesday 23 January 2007

at sa wakas!




At un nga! at sa wakas, nakita ko rin ung kanta na pinagpupuyatan kong hanapin sa net!! woohoo!! champagne na, mga pre! heheh! jowks lang.

At muli ko na namang napatunayan na totoo talaga ang golden kasabihan na 'pag hinahanap mo, mahirap talaga makita. Subukan mong tigilan, magpapakita sa'yo." Agree talaga ako rito. Kasi most of the times talaga, it is true. Lalo na ung kandagigil ka na sa kahahanap, dugo't pawis na ang ibinuhos mo [eksaj na naman.. ], lalo namang di magpapakita, lalong magtatago, lalong magpapakipot. Pag tinigilan mo naman, tingnan mo, parang nagpapapansin na bigla mo na lang makikita sa tabi mo. Ewan ko talaga. Bakit nga kaya ganun? Kumusta naman kaya sila noh?

At tulad nga ng kantang un, kung kelan nga tinigilan ko na[mind u, di uso sa akin ang giving up, mahilig ako sa challenge kaya lang nasagad na ko weh] saka naman biglang may nagsend sa akin kahit di 'ko hinihingi. May paparinig lang raw sa akin na song. Tingnan ko raw kung maganda. Naks! Nang tumugtog na, walastik, syet! na lang nasabi ko. Tingnan mo talaga ang pagkakataon nuh? Astig talaga.

At kaya nga sa mga taong naghahanap jan, pag narindi na kayo, subukan nyo toh. Umupo kayo sa isang tabi, o kaya, do something else. Keep ur mind busy. Ung parang di mo na naiisip na kanina lang eh kandagigil ka na sa kahahanap, ung talagang totally mabubuhay ka ng wala un.. tingnan mo talaga.. bigla na lang susulpot un. Minsan sa di mo inaasahang lalagyan, o kaya sa pinakakaraniwang lugar, sa tabi mo.. minsan kasi, baka bulag na rin tayo. o masyado na lang makakalimutin. naks, walang ganon.. hahah..

No comments: